NAGPAHAYAG ng suporta ang Department of Health (DOH) sa ordinansa na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Quezon City na nag-aatas sa mga restaurant na maglagay ng “calorie count” sa kanilang mga menu.
Ayon sa DOH, ang naturang panuntunan ay makakatulong sa publiko na magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga pagkain na inihahain mga restaurant, fast-food chain at iba pang establisimyento sa lungsod upang makapamili ang mga kostumer kung ang gusto o hindi nila gustong kainin.
Ang nasabing ordinansa ay naipasa na ng Quezon City Council at hinihintay na lamang ang pirma ni Mayor Joy Belmonte para maging opisyal na itong maipatupad.
“The DOH supports the ordinance of the Quezon City local government that requires restaurants to display the number of calories that their food contains. This will enable Filipinos to make informed and healthy choices on what to eat,” ayon sa DOH sa isang pahayag.
“The Department encourages Filipinos to eat a balanced, well-moderated, and varied diet. Limit processed foods and foods that are high in calories. Opt for healthier choices, partnered with sufficient physical activity,” dagdag pa ng ahensya.
Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang labis na calorie ay maaring magdulot ng obesity,na mauuwi sa mga non-communicable diseas tulad ng atake sa puso,stroke at diabetes.
Sa Kamara, inihain ang panukalang batas noong 2020 upang isulong ang healthy diets sap ag-aats sa mga restaurants na magdagdag ng impormasyon sa nutrisyon sa kanilang mga menu o menu board.

