Taiwanese national, bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng BI sa Tarlac

LAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng Bureau of immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa “company fraud.”

Sa ulat ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI na nakarating kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang dayuhan bilang si Chang Chia Wei, 42 anyos, na inaresto sa kanyang bahay sa Bamban, Tarlac sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Nobyembre 2021 noong siya ay inisyuhan ng “deportation order” dahil sa pagiging “undesirable alien.”

Humingi ng tulong sa pamahalaan ang Taipei Economic and Cultural Office para agad mahuli at mai-deport sa Taiwan ang suspek upang maharap nito ang kanyang kaso.

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na inisyu ng Shin District Prosecutor’s Office sa Taiwan ang warrant of arrest laban kay Chang kung saan kinasuhan dahil sa paglabag sa isang company act.

Sinasabing si Chang ay miyembro ng criminal syndicate kung saan ginagamit ang kanyang personal bank account at idini-deposito ang kanyang mga kinikita mula sa mga ilegal na gawain simula pa noong 2015.

Bukod pa dito, sinabi pa ni Sy na si Chang ay isa nang undocumented alien kung saan ang pasaporte nito ay paso na simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.