Hinihinalang holdaper ng mga convenience store sa Bataan, patay sa police operation

PATAY ang isang lalaki na diumano’y isa sa mga suspek na holdaper ng mga convenience store sa Bataan.

Sa inisyal na impormasyon, nangyari ang shootout sa isang residential area malapit sa Alfamart Convenience Store sa Barangay Balsik, Hermosa, Bataan, mag aalas dose ng madaling araw nitong Linggo.

Ayon sa isang intelligence report, matagal na umanong subject ng surveillance ang di-umano’y grupo na responsable sa serye ng holdapan sa mga sangay ng convenience store sa iba’t-ibang bayan sa Bataan at karatig lalawigan kagaya ng Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.

Nakuha sa suspek ang isang baril at sari-saring denominasyon ng cash money at mga barya. Nakatakas naman umano ang isa pang kasama nito. 

Nagpapatuloy ang eksaminasyon at dokumentasyon ng SOCO at Hermosa Police habang sinusulat ang balitang ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.