TATLO pang mga biktima ng isang sindikato ng human trafficking, kabilang ang isang online influencer sa Myanmar, ang pinauwi na sa kanilang bansa ayon sa Bureau of Immigration (BI)
Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), ang tatlong biktima na may edad 20 hanggang 30 anyos ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng isang Singapore Airlines flight noong June 15 galing Myanmar.
Ang tatlong biktima ay umalis noong April 2023 bilang mga turista patungong Singapore bagama’t inamin na ni-recruit sila online bilang mga call center agent sa Thailand subalit huli na nang malaman nila na ibibiyahe pala sila sa Yangon, Myanmar bilang mga pekeng mga call center na sangkot sa scamming.
“One of the victims was even an online influencer, with more than 10 thousand subscribers,” ayon kay Tansingco.
Bunsod nito, muling nagpaalala ni Tansingco sa mga overseas workers na gustong umalis ng bansa bilang mga turista.
Ang mga biktima ay inasistihan sa NAIA Task Force against Trafficking, National Bureau of Investigation, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Department of Migrant Workers.