PhilPost: Over 14M national ID cards already delivered

AYON sa Philippine Postal Corporation (PhilPost), nagawa na nitong makapag-deliver ng mahigit sa 14 na milyong National ID cards sa bansa.

Sa ginanap na Laging Handa public briefing, sinabi ni Postmaster General at Chief Executive Officer ng PhilPost na si Norman Fulgencio na hanggang nitong Hulyo 8, nasa 14,033,000 na mula sa kabuuang 14, 800,000 mga National ID ang naipamahagi na.

Mayroon pang tinatayang nasa 700,000 na mga National ID ang patuloy nilang idini-deliver sa ngayon.

Kung idaragdag pa ang mga naideliver hanggang ngayong araw, possible nang nabawasan pa ito ng 350,000 at nasa 50 porsiyento na lamang ang natitira pa ang kailangan pa nilang ideliver.

Tumanggi naman si Fulgencio na sagutin kung ano ang dahilan ng pagkaantala sa delivery.

Ayon kay Fulgencio, hindi sila ang dapat sumagot nito kundi ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil ang trabaho lamang nila ay magdeliver kapag natanggap nila ang mga ID na nasa envelop galing sa PSA.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.