Mga papasok sa pampublikong paaralan sa Agosto, di kailangan ng school uniform — DepEd

IPINAG-UTOS ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na hindi na kakailanganin o hindi oobligahin ang mga estudyante na papasok sa mga pmpublikong paaralan ngayong school year 2022-2023 na magsuot ng uniporme.

Ayon sa bise presidente, ang utos na huwag obligahing mag-uniporme ang mga estudyante sa pampublikong paaralan ay makatutulong ng malaki sa mga magulang at sa mga guardian na makaiwas sa karagdagang gastusin sa darating na pasukan.

Makahihikayat din ito sa mga mag-aaral na lalong magpursige sa pag-aaral na hindi na iniisip ang dagdag na gastos sa pagbili ng school uniform sa pampublikong paaralan.

Nauna rito, tinuran ni Vice President Duterte na nagpapatuloy ang kanilang mga ginagawang paghahanda para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Agosto sa  kabila nang may umiiral na pandemya ng COVID-19.

Kaya ipinasisiguro ni Duterte na ligtas di lamang ang mga mag-aaral kundi maging ang mga guro at mga staff sa paaralan.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng mga samahan ng mga guro na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase dahil sa katatapos pa lamang ng graduation ng mga mag-aaral at halos di pa nakakapag-pahinga ang mga guro.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.