Pamahalaan, target makapagturok ng “booster” o 3rd dose sa health workers, atbp. simula Nobyembre 15

TARGET ng pamahalaan na makapag-turok ng “COVID-19 booster dose at third dose” para sa health care workers, senior citizens at immunocompromised na mga inbididwal simula sa Nobyembre 15, 2021.

Ito ang inanunsyo ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Galvez, pinagpaplanuhan na ang tinatawag na booster dose at third dose rollout, at ang first phase o unang bugso ay para sa health care workers.

Ang guidelines naman ay ilalabas sa Nobyembre 5 at ang projected implementation ay sa Nobyembre 15.

Samantala, para sa Phase 2, sinabi ni Galvez na kailangang hintayin muna ang “guidance” ng Policy Team at makamit ang ilang kinakailangang requirement. Kabilang dito ang na-rebisang emergency use authorization o EUA ng mga bakunang gagamitin, at rekomendasyon ng World Health Organization o WHO.

Kapag rin nakamit na ang mga ito, sinabi ni Galvez na sa Nobyembre 15 din ang projected implementation ng rollout para sa mga senior citizens at immunocompromised.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.