Mga opisyal ng DOH, di dadalo sa pagpapatuloy ng Blue Ribbon hearing sa Senado

Share this information:

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na walang dadalong opisyal mula sa kagawaran para sa pagpapatuloy bukas ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrata ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals.

Ayon ito kay DOH Sec. Francisco Duque III na nagsabing hindi rin siya magtatalaga ng kinatawan para makibahagi sa pagdinig.

Sinabi nito na ang hindi pagdalo ng sinuman mula sa DOH ay bilang pagtalima nila sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinaalala sa kanya na kailangang sundin.

Sakop ng utos, ayon kay Duque, hindi lamang ang mga kalihim kundi maging ang iba pang opisyal at kawani ng ehekutibo o national government.

Sinabi ni Duque na hindi naman siya nagkulang at nauna nang dinaluhan ang mga naunang pagdinig ng Senado sa isyu.

Dagdag pa ni Sec Duque na dadalo lamang siya muli sa pagdinig ng Senado kung babawiin o babaguhin ang utos sa kanila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.