Duterte, nagpasalamat kay Putin sa mga dumating na Sputnik vaccines sa bansa

Share this information:

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin kaugnay ng mga dumating na Sputnik V COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa kanyang “Talk to the People,” sinabi ng pangulo na aabot na sa 2.7 milyon na doses ng bakunang Sputnik V ang kabuuang bilang na natanggap na ng Pilipinas mula sa Russia.

Nagpasalamat si Duterte kay Putin lalo na sa pagtitiyak ng huli na matatanggap ng Pilipinas ang mga bakuna sa napapanahong paraan.

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga bansang tulad ng Estados Unidos, China, Japan, South Korea at Germany na pawang nag-donate din ng mga bakuna sa Pilipinas.

Ayon sa presidente, lumagpas na sa target na 55 million doses ang naiturok noong Oktubre, na dahil na rin sa pagbuhos ng mga supply ng bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pamahalaan, target makapagturok ng "booster" o 3rd dose sa health workers, atbp. simula Nobyembre 15

Wed Nov 3 , 2021
TARGET ng pamahalaan na makapag-turok ng “COVID-19 booster dose at third dose” para sa health care workers, senior citizens at immunocompromised na mga inbididwal simula sa Nobyembre 15, 2021. Ito ang inanunsyo ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa Talk […]
%d bloggers like this: