Anomalya sa TUPAD sa QC, iniimbestigahan na — Bello

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang sinasabing anomalya na nangyari umano sa cash-for-work program para sa mga displaced, unemployed at seasonal worker sa lungsod ng Quezon.

Ipinapatawag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Quezon City field officer na siyang namamahala sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa lungsod upang magpaliwanag.

I want to know why he allowed such problems to happen in the delivery of TUPAD in Quezon City. He was supposed to monitor the program of our department. Was he negligent?” pahayag ni Bello.

Ilang mga reklamo na ang natanggap ng ahensya tungkol umano sa mga iregularidad sa pamamahala ng TUPAD sa ilang mga distrito sa Quezon City.

Ipinatigil ng DOLE ang pamamahagi ng cash aid sa mga distrito sa lungsod ng Quezon matapos silang makatanggap ng mga reklamo na ang iba ay P2,000 lang ang natanggap na sahod na dapat ay P7,500 sa pagtatrabaho ng 14 na araw.

Ilan sa mga residente ng Barangay Holy Spirit at Batasan Hills na kasali sa TUPAD program ang humingi ng tulong sa DOLE matapos nilang hindi matanggap ang kabuuang kita nila sa programa.

Nagpaplano ang DOLE na magsampa ng reklamo laban sa mga taong sangkot sa anomalyang ito. Nakikipagtulungan na rin ang ahensya sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag i-imbestiga sa mga alegasyon ng iregularidad sa pagpapatupad ng programa.

Dagdag pa rito ang mga umanong “ghost beneficiaries” sa TUPAD program.

Sinabi naman ni Bello na malapit na silang matapos sa pag i-imbestiga at hinihintay na lamang ang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng NBI.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.