Innova, van nagsalpukan sa kalsada; 2 patay

DALAWA katao ang ini-ulat na nasawi habang nasa sampung iba pa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Baao, Camarines Sur.

Natukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga namatay sa insidente na sina Marlon Tacalan, driver ng Toyota Innova at pasahero nitong si Ely Bongay.

Ginagamot naman sa magkakahiwalay na ospital ang mga sugatan na sina Jomar Opong, driver ng Hi Ace van, residente ng Quezon City; Joan Tortola; Jeneve Parino; Gelso Odal; Catherine Nablo; Jocelyn Banez; Jenefir Todo; Leo Mancio; Jessel Marie Kilam at John Mark Kilam.

Ayon sa report ng Baao Municipal Police Station, nangyari ang trahedya sa bahagi ng diversion road sa Barangay San Jose pasado alas 4 ng madaling araw ng Lunes, Setyembre 6, 2021.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatulog umano ang driver ng Innova at napadako ito sa kabilang linya hanggang sumalpok sa kasalubong na van. Patungo ng Maynila ang mga sakay ng van habang galing Maynila umano ang Innova at pauwi na sana ng mangyari ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.