Alert Level 4, nakataas na sa buong NCR maliban sa lungsod ng Maynila

NA-CLASSIFY na sa Alert Level 4 ang lahat ng lugar sa National Capital Region (NCR) maliban sa lungsod ng Maynila.

Ayon ito kay Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire sa press briefing ng DOH.

Sinabi ni Usec Vergeire na ang Delta variant ay natukoy na sa lahat ng lugar sa NCR.

Ilan sa mga lugar naman ang nananatiling nasa high risk ang national ICU  utilization rate.

Sinabi ni Usec Vergeire na siyam na rehiyon ang nasa high risk level ang kanilang health system capacity.

Nai-flag naman ang National Capital Region, Regions 4A, 2 , CAR, 3, 10, 1, 11, CARAGA, 6, 12 na may high-risk case classification base sa kanilang moderate risk  classification, two-week growth rate, at high-risk average daily attack rate (ADAR).

Sa NCR, nanatili itong nasa positive two-week growth rate at high-risk ADAR at kasalukuyang nasa high risk case classification.

Ang ADAR ay tumaas mula sa 25.61 percent sa nagdaang tatlo hanggang apat na linggo sa 33.60 percent kada 100,000 populasyon sa nagdaang linggo.

Lahat ng lugar sa NCR, ayon kay Usec. Vergeire, ay may positive two week growth rate at high risk ADAR at high risk case classification.

Ang regional health system capacity naman ay nasa high-risk na may ICU utilization na 74 percent.

Nasa 16 area naman ang nasa high risk health system capacity na 70 percent hanggang full utilization.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.