Dagdag pang BI personnel, ipinakalat sa mga airport ng bansa

NAGPAKALAT pa ng karagdagang mga opisyal ang Bureau of Immigration  (BI) sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang palakasin ang manpower ng BI sa mga pangunahing paliparan sa bansa.

Ayon sa BI, nasa kabuuang 99 na bagong immigration officers (IOs) ang  kamakailang idineploy ng ahensiya sa NAIA.

Our new IOs have started reporting for duty in the three terminals of the NAIA since last week and they are currently undergoing on-the-job training prior to their full deployment in our immigration counters,” wika ni Atty. Carlos Capulong, BI port operations chief.

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni Atty. Capulong na ang bagong immigration inspectors ay magkakaroon ng rotation shifts sa kanilang assignments bawat linggo upang maranasan nila ang mga hamon  at  maunawaan ang sobrang laki ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang border control officers ng bansa.\

Pinayuhan naman ni Morente ang mga bagong tauhan ng BI na palaging ipagmalaki ang kanilang mga trabaho at ipakita ang propesyonalismo at integridad sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Now more than ever it is imperative for us to prove to our leaders and countrymen that we are dedicated to our mandate of protecting our borders from being infiltrated with unwanted aliens,” pahayag ng BI chief.

Ipinaalala rin niya sa mga bagong empleyado na bukod sa hadlangan ang pagpasok ng mga hindi kanais-nais na dayuhan, sila rin ay binigyan ng tungkulin na tiyakin na ang mga mahihirap na Pilipino ay hindi biktima ng mga human trafficker na magrekrut at magtangkang ipadala sila sa ibang bansa.

Nabatid na ang mga bagong rekrut ng BI ay kakatapos  lamang ng kanilang tatlong buwan na pagsasanay tungkol sa mga batas sa imigrasyon, mga patakaran at pamamaraan mula sa libu-libong indibidwal na nag-aplay para sa 99 na posisyon ng plantilla ng Immigration Officer 1.

Sinabi pa ng opisyal  na ang mga bagong opisyal ng imigrasyon ay naipasok sa NAIA  para sa inaasahang muling pagbubukas ng mga hangganan ng bansa at pagbubukas ng iba pang mga internasyonal na paliparan. 

We believe that as more and more Filipinos are vaccinated, this pandemic will soon be a thing of the past and there were will be an influx of international travelers into our country.  Thus, this early we are already preparing and bracing for this eventuality,” dagdag pa ni Atty. Capulong.

Binanggit ni Morente na asahan pa ang panibagong batch ng immigration officers na magtatapos bago matapos ang taong ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.