Karagdagang pwersa ng PNP, dumating na sa Bataan

PERSONAL na tinanggap ng pamunuan ng Bataan Police Provincial Office ang 111 mga bagong police personnel na naitalaga sa lalawigan ng Bataan.

Dumating ang mga nasabing pulis sa lalawigan noong Miyerkules ng gabi.

Pinangunahan ni Bataan PPO Provincial Director, Police Col. Joel Tampis ang simpleng welcome ceremonies na ginanap sa Camp Cirilo Tolentino.

Nagmula ang mga police personnel mula sa  Camp Olivas sa Pampanga kung saan nakabase ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa ilalim ng pamumuno ni PRO3 Regional Director, Police Brig. Gen. Valeriano De Leon.

Makakatuwang ang mga bagong pulis sa pagbabantay sa mga quarantine control points sa buong probinsiya ng Bataan ngayong panahon ng pandemya.

Karagdagang pwersa rin sila sa pagbabantay sa pamamahagi ng mga LGUs sa special amelioration program ng gobyerno, kung saan nakatanggap ang lalawigan ng Bataan ng halos P700 milyon mula sa national government na nakalaan para sa mga low-income families sa 11 bayan at isang syudad ng Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.