Dagdag-presyo sa mga bilihin, suspendido muna sa ECQ – DTI

SINUSPINDI ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nakatakda sanang pagtataas o pagbabago sa suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Nuong Hunyo, pinayagan ng DTI ang ilang brands ng basic goods na magtaas ng P0.25 hanggang P0.75 o tinatayang 3.5% ng kanilang preso dahil sa pagmahal ng halaga ng raw materials.

Partikular na inaprubahan ng DTI na magtaas ay ang pagtitinda ng sardines, canned meat, noodles, gatas at kape na iiral sana ngayong buwan.

Ang price increase ay aarangkada sana matapos na bawiin ng DTI ang isang buwang price freeze sa basic goods nuong Hulyo 9.

Maliban sa National Capital Region, umiiral din ang ECQ sa mga lalawigan ng Laguna, Cagayan de Oro at Iloilo City hanggang Agosto 20. Sa Agosto 22 naman magtatapos ang ECQ sa Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.