UMAABOT sa 52 indibidwal ang sinampahan ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon sa online.
Batay ito sa tala ng Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Cybercrime Group simula nuong Marso 9, 2021 hanggang Agosto 9 ng kasalukuyang taon.
Aabot sa 87 reklamong kriminal ang inihain ng PNP laban sa naturang 52 indibidwal.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, tumaas ang insidente ng pagpapakalat ng fake news upang makapambiktima ng mga tao.
Maliban sa fake news, may tatlong reklamo rin ang inihain laban sa dalawang indibidwal na sabit sa online scam; 31 reklamo laban sa 26 na indibidwal dahil sa online profiteering, overpricing, hoarding at unauthorized selling ng medical supplies.
Nakasamsam din ang mga awtoridad mula sa unauthorized online sellers ng mga galon ng disinfectant; vitamin C capsules; forehead thermometers; face masks; at mga bote ng isopropyl alcohol.
Partikular na isinampa laban sa mga suspek ang Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code; paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law; at paglabag sa Presidential Decree No. 90

