Namatay sa Delta variant, nasa walo katao na — DOH

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na walo na ang namatay sa Delta variant  sa bansa.

Sa isang press briefing, binanggit ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergsire na lima ang local cases, dalawa ang returning overseas Filipinos o ROFs habang isa ang biniberipika pa.

Ang limang kaso ay mula sa San Nicolas, Ilocos Norte; Balanga, Bataan; Cebu, Pandan, Antique at Pandacan, Manila.

Ayon kay Vergeire, pawang mga lalaki ang mga Delta variant deaths na ito na may edad na 25 hanggang 78.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.