“Scare factor,” dahilan kung bakit marami na ang nagpapabakuna — DOH

Share this information:

MAAARING dahil sa “scare factor” sa Delta cases kung kaya marami na ang nagpapabaluna kontra COVID-19.

Ayon ito kay Department of Health (DOH) spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire, na baka natatakot na ang mga tao kaya gusto na nilang magpabakuna.

Maaari din aniyang nakumbinsi  na sila at nakita nila na ligtas naman ang mga bakuna.

Naiintindihan din naman aniya ng ating mga kababayan ang mga lumalabas na ebidensya na talagang protektado naman o nagbibigay proteksyon ang mga bakuna.

Sinabi ni Usec. Vergeire na isa itong magandang senyales para sa atin dahil mas marami pang mahihikayat  na magpabakuna sa ating mga kababayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.