Aplikasyon para sa financial assistance sa mga manggagawa sa sektor ng turismo, sarado na

Tinapos  na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggap ng mga application para sa mga nais mapagkalooban ng financial assistance sa mga kawani sa sektor ng turismo na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Sa Labor Advisory 10 Series of 2021, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alas-5 ngayong hapon ay hindi na tatanggap ng online application para sa ₱5,000 financial.assistance o COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP. 

Ayon kay Bello, nakipag-ugnayan na ang DOLE sa Department of Tourism hinggil sa hindi na pagtanggap ng application para sa ayuda sa sektor ng mga manggagawa sa turismo.

Sinabi ng kalihim na ang hindi na pagtanggap ng aplikasyon para sa financial assistance sa sector ng turismo ay dahil umabot na sa target na bilang nang natanggap na aplikante.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang isinasailalim sa evaluation at proseso ng pagbabayad sa mga natitirang aplikasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.