Sandra Cam, sumuko na sa PNP-CIDG

Hawak na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dating jueteng whistle blower at Philippine Charity Sweeepstakes Office (PCSO) Director na si Sandra Cam.

Si Cam ay naka hospital arrest sa ngayon dahil sa kanyang karamdaman ayon kay Maj. Gen. Alvert Ignatius Ferro, ang  CIDG Director.

Ayon kay Ferro, sumuko si Cam sa CIDG Region 4A at sa De La Salle University Hospital sa Dasmarinas, Cavite kung saan isinilbi ang kanyang warrant.

May kaugnayan  ang warrant ni Cam kasama ang kanyang anak at iba pa sa kasong pagpatay sa dating Vice Mayor ng Masbate  na si Charlie Yuson na binaril sa Sta. Mesa, Maynila noong 2019.

Sinabi naman ni Cam na hindi siya nagtatago at dalawang linggo na siyang naka-confine sa isang ospital sa Cavite dahil sa kanyang sakit sa kidney, diabetes bago inilabas ang arrest warrant  laban sa kanya.

Inisyu ni Manila RTC Judge Dinnah Aguila Topacio ang kanyang warrant.

Sasailalim naman sa isang operasyon sa kanyang lumbar spine si Cam sa susunod na linggo kung saan ilang taon na umano nitong iniinda.

Isinumite na rin ni Cam sa korte at sa PNP ang lahat ng kanyang medical records.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.