Limang lulan ng banca sa Davao Oriental, nasagip ng PCG

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa isang lumubog na motorbanca ang limang pasahero sa bisinidad ng baybaying sakop ng Pujada Bay, Mati City, Davao Oriental.

Nanguna ang PCG Station Davao Oriental and Special Operations Unit-Southeastern Mindanao sa operasyon.

Umalis umano ang motorbanca sa barangay Macabol, Mati City, Davao Oriental at patungo sa Vanishing Island sa Davao del Norte nang makasagupa ang malalaking alon na nagresulta ng pagkakalubog ng nasabing sasakyang pandagat.

Agad namang ipinadala ng PCG ang kanilang search and rescue team matapos makatanggap ng distress call mula sa isang pasahero.

Nasa maayos namang kondisyon ang lahat ng pasahero na isinalang sa medical check up na ibinigay ng Mati City Disaster Risk Reduction and Management  Office (CDRRMO) personnel sa kanilang pagdating sa coast guard station sa Davao Oriental.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.