Maliban sa Metro Manila, maaari nang magamit ng iba pang mga yunit ng pamahalaang lokal (LGU) ang cash-for-work program na TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pamayanan sa pamamagitan ng contact tracing.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga LGUs na nangangailangan ng karagdagang mga contact tracers ay maaring magsimulang magrekrut ss ilalim ng programa ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) workers program ng DOLE.
Sa isang panayam sa programang teleradio na Oh My Job, sinabi ng kalihim na ipinahayag niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanyang kahandaan na suportahan ang mga kinakailangan ng iba’t-ibang LGU para sa karagdagang mga contact tracer, lalo na sa mga lugar klung saan mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
“In our meeting with the DILG, I already told Acting Secretary (Bernardo) Florece that he can allocate to any LGU the number of contact tracers to be employed under our TUPAD program,” pahayag ng kalihim.
Nauna nang binigyan ni Bello ng pagpapasya ang mga regional director ng DOLE na aprubahan ang mga kahilingan ng mga local chief executive na i-tap ang mga benepisyaryo ng TUPAD bilang mga contact tracer sa kani-kanilang lugar.
“Since the DILG has problems funding the contact tracing of LGUs, I thought it wise to offer our TUPAD program for that purpose. In this manner, we are not only providing emergency employment to our displaced workers but also helping the urgent need of the community to stop the spread of the disease through contact tracing,” ayon kay Bello.
Una nang nag-alok si Bello ng 14,000 mga benepisyaryo ng TUPAD bilang mga contact tracer para sa mga kinakailangan ng LGUs sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna sa loob ng isang buwan.
Ngunit ang mga alkalde ng NCR sa pamamagitan ni Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos ay humiling na ang mga contact tracers ay magtatrabaho sa loob ng tatlong buwan sa halip para sa paglalaan ng P230 milyon na katumbas ng halos 5,000 contact tracers.
Ang aplikasyon at pagproseso para sa mga contact tracers sa NCR sa ilalim ng TUPAD ay nagsimula noong Sabado at matatapos sa April 22.

