NAARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang limang Koreano at apat na Filipino na hinihinalang mga cybercriminal kasunod ng operasyon sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagdakip sa mga suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa R.A. No. 8484 o Access Devices Regulation Act.
Natukoy ang mga suspek na sina Lee Sungbo, Yoensu Yoon, Lee Jaehun, Junguk Lee, Song Gil Song, Alyssa Payabyab Lee, Maiko de Luna Natividad, John Patrick Sotto Gonzales at Bong Baja Garcia.
Nasamsam umano mula sa mga suspek ang kanilang scheming device, computer, cellphone, credit card at iba pa.
Modus umano ng mga suspek na mang-hack ng mga Koreano at US citizen sa pamamagitan ng online banking at iba pang online transactions na milyun-milyon ang kanilang nahahakot.

