DepEd, ayaw sa academic break

IBINASURA ng Department of Education (DepEd) ang apela na magpatupad ng tinatawag na academic break o pagtigil muna ng pag-aaral sa gitna ng nararanasan pa ring COVID-19 pandemic.

Sa halip na academic break, sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na mas makabubuting pairalin ang academic ease o pagbabawas ng aaralin at aktibidad ng mga estudyante.

Palaging sinasabi po na academic break, ‘yan ay panawagan ng mga kabataan pero tayo po sa Kagawaran ng Edukasyon ay meron din tayong sinasabing  academic ease,” ani San Antonio.

Di naman kailangan itigil ang pag-aaral. Ang kailangan po e mas maging considerate sa mga sitwasyon ng bawat bata,” dagdag ito.

Pinaninindigan ni San Antonio na ang kakulangan ng access sa teknolohiya ng mga estudyate at guro ay hindi dapat maging dahilan upang itigil ang pag-aaral dahil mayroon namang naka-imprentang self-learning modules na pupuwedeng magamit.

Umapela rin ang opisyal sa mga guro na huwag maging mahigpit sa pagpapatupad ng deadline at ikonsidera ang hirap na pinagdaraanan ng mga mag-aaral sa distance learning.

Nauunawaan natin na masyadong mapanghamon ang mga ginagawa at ‘yung iba ay nagsasabi na masyadong overloaded ang mga kailangan isumite ng mga bata. Kaya ang pinapakiusap po natin at base sa nailabas na guidelines ay huwag masyadong mahigpit sa mga deadlines,” pahayag pa ni San Antonio. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.