HCWs na ide-deploy sa NCR bubble, makakatanggap ng karagdagang benepisyo

Makakatanggap ng karagdagang benepisyo ang mga health care workers (HCW) mula sa iba’t-ibang rehiyon na idedeploy sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire bukod pa sa maayos silang tatanggapin.

Yun pong Civil Service rules kapag po kayo po ay nadedeploy sa ibang lugar aside from your work station, mayroon pong additrional benefits ang ating mga health care workers from government plus the fact na syempre i-a-accommodate natin,” pahayag nito.

Tulad aniya sa ginawa noong July at August na nakapag-deploy ng ibang health care workers mula sa iba’t-ibang rehiyon kaya ganun din ang gagawin ngayon kung saan bibigyan sila ng accommodation, meal allowance at iba pang benepisyo na matatanggap.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.