Ngayong Pebrero 12, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,022 mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan, umabot na sa 545,300 ang kumpirmadong mga kaso ng sakit sa buong bansa.
Nakapagtala naman ng karagdagang 333 na mga recoveries kaya umakyat na ang kabuuang bilang sa 500,654, habang ang naitalang mga bagong pumanaw ay nasa 26 na, dahilan para maging 11,495 na ang bilang ng mga namamatay sa sakit.
Ngayong Lunar New Year, paalala muli ng DOH na iwasan ang pagiging pabaya sa pagdiriwang.
Panatilihin ang mahigpit na heath protocol at minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
