Pulis Maynila, dinisarmahan dahil sa accidental firing sa MPD HQ

Share this information:

Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang hindi sinasadyang pagpapaputok ng baril ng isang tauhan ng MPD-Anti carnapping unit (MPD-ANCAR) sa loob mismo ng MPD headquarters kaninang umaga.

Ayon sa  MPD-General Assignment Section, inilipat na ang pag -iimbestiga  kay PCpl. Rodolfo Fajardo sa MPD-ANCAR.

Si Fajardo ay nakatalaga sa MPD-ANCAR  at kasalukuyan siyang nasa kanilang opisina nang mangyari ang  accidental firing o hindi sinasadyang pagputok ng kanyang baril kaninang alas 10:15  ng umaga.

Sa panayam naman kay MPD Director Brig. General Leo Francisco, pinadis-armahan na niya si Fajardo habang  isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanya.

Napag-alaman na  nakaupo naman ang isang babaeng nagngangalang “Aling Lourdes” sa isang bangko na nakalagay sa labas o  tapat ng Theft and Robbery Section nang dumaan sa malapit sa kanyang noo ang bala.

Masuwerte naman ito na hindi sa kanyang ulo mismo tumagos ang bala mula sa baril ni Fajardo.

Tumagos umano ang bala mula sa dingding ng MPD-ANCAR  sa dingding ng opisina ng Theft and Robbery Section kung saan nabasag ang mga salamin at nahulugan din ng bubog sa ulo ang ginang.

Si Aling Lourdes ay nakatakda umano sanang bumisita sa kanyang kamag-anak na nakakulong sa Homicide Section nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng mga imbestigador sa MPD-ANCAR dahil iniimbestigahan pa ang kanilang kabaro. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bagong kaso ng COVID-19, pumalo sa 2,022

Fri Feb 12 , 2021
Ngayong Pebrero 12, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang  2,022 mga bagong kaso ng COVID-19. Sa kabuuan, umabot na sa 545,300 ang kumpirmadong mga kaso ng sakit sa buong bansa. Nakapagtala naman ng karagdagang  333  na mga recoveries kaya umakyat na ang kabuuang bilang sa 500,654, habang ang naitalang […]

Follow Us

%d bloggers like this: