Pilipinas, hindi pa apektado ng UK variant – DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) na wala pang na-detect na UK variant sa Pilipinas.

Ang pahayag ng ahensya ay sa gitna na rin ng espekulasyon na nasa bansa na ang UK variant o mas kilala sa tawag na SARS-CoV-2 virus.

Base sa linage analysis sa pamamagitan ng buong genome sequencing na ginawa ng PGC, ang UK variant ay hindi nadetect sa 305 positive samples na isinumite sa kanila mula sa 9 institutions.

Ang 305 samples na inalisa ng PGC ay binubuo ng positive samples mula November -December hospital admissions at mula sa inbound travelers na nasuring positibo sa kanilang pagdating sa Paliparan.

Bukod dito, ang kagawaran ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Hong Kong International Health regulations focal point upang magbigay ng official notification at iba pang kinakailangang impormasyon kaugnay sa Hong Kong resident na nasuring positibo sa variant kasunod ng kanyang travel history sa Pilipinas.

Nanawagan naan ang DOH sa lahat ng local government unit at mga transport regulatorna patuloy na ipatupad ang mga protocol sa kalusugan sa lahat ng mga setting.

Mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards 0 MPHS pa rin ang pinakamahusay na hakbang uang mabawasan ang hawaan ng variant at mabawasan ang mga pagkakataon para sa pag-mutate ng virus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.