Petisyon ni Gadon na palitan ang pangalan ng NAIA, ibinasura ng SC

Diretso sa basurahan ng Kataas-Taasang  Hukuman ang inihaing petisyon ni Atty. Larry Gadon na humihiling na mapawalang bisa ang batas na nag-pangalan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa dating Manila International Airport.

Ito ay matapos ipahayag ni Atty. Brian Keith Hosaka, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, ang unanimous vote ng mga mahistrado sa En Banc na kung saan ay nagkasundo sa pagbasura ng nasabing petisyon ni Gadon.

Idinahilan ng Korte Suprema ay ang kawalan nito ng merito.

Matatandaan na hiniling ni Gadon sa kanyang inihaing petisyon na ipawalang bisa ng Supreme Court ang kasalukuyang batas na RA 6639 bilang NAiA noong 1978.

Ikinatwiran kasi ni Gadon na nilabag ng nasabing batas ang guidelines ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP.

(Photo credit: Larry Gadon FB page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.