600k Sinovac vaccines, iimbak sa DOH storage facility sa Marikina

Share this information:

Sa Department of Health (DOH) storage facility sa Marikina umano dadalhin ang mga bakuna na darating sa Linggo at hindi sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng TeleRadyo.

Ayon sa kalihim, pagbaba ng eroplano ay ilalagay sa 40-footer container vans na refrigerated ng 2 to 8 degrees Celsius ang 600,000 doses na Sinovac vaccine at dadalhin sa Marikina na may escort.

Tiniyak naman ni Duque na walang magiging problema sa storage facility dahil ang kapasidad nito ay 500 milyong doses.

Mula sa storage facility ay dadalhin naman sa mga regional warehouse ang  bakuna na siyang magdi-distribute sa city at provincial health offices bago ibaba ang suplay sa mga implementing units tulad ng mga ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pito timbog sa buy bust sa Valenzuela

Fri Feb 26 , 2021
Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna […]

Follow Us

%d bloggers like this: