Pito timbog sa buy bust sa Valenzuela

Share this information:

Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

Kagaad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44 anyos, tricycle driver, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kasama ring nadakip sa operation sina Elmer Martin, 48 anyos, Arnold Carabbacan, 59 anyos, Luis Carvajal, 52 anyos, Christopher Sison, 43 anyos, at Jeffrey Restum, 32 anyos, matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, P640 cash, limang cellphone, dalawang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Dakong alas 3 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Francis Cruz, 40 anyos, ng Ilocto St. Parada sa isinagawang buy-bust operation sa Santolan Road, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ani SDEU investigator PSMsgt. Fortunato Candido, narekober kay Cruz ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 cash, cellphone at isang motorsiklo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon shabu sa Navotas

Fri Feb 26 , 2021
Arestado ang isang barangay tanod at hipag nito matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31 anyos (pusher/ listed), […]

Follow Us

%d bloggers like this: