3 hinihinalang ASG members, patay sa engkuwentro sa Zamboanga City

Share this information:

NAPATAY sa engkuwentro sa pulisya ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga City, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, nasukol ng mga awtoridad ang pumpboat na sinakyan ng mga bandido sa Barangay Taluksangay at naunang nagpaputok ng baril ang mga ito sa papalapit sa kanila na mga pulis.

Sinabi ni Sinas na posibleng mayruong misyon na magsagawa ng pambobomba ang mga naka-engkuwentrong ASG members.

Isinugod pa aniya sa ospital ang mga suspek na sina Radi Nalul Tahirin, Hasan Alimin, at Abdilla Aspalin ngunit hindi na umabot ng buhay.

Hinahanap na ng mga awtoridad ang katawan umano ng isa pang suspek na nahulog mula sa bangka.

Narekober naman mula sa pumpboat ang dalawang kalibre .45 pistola at kahon ng mga pampasabog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.