28 bayan sa Isabela, apektado ng ASF

Cauayan City, Isabela – Nasa 28 na bayan sa Isabela ang apektado ng second wave ng African Swine Fever (ASF).

Batay sa ipinalabas na report ni Dr. Angelo Naui, Provincial Veterinary Officer ng Isabela, kabilang sa 28 mga bayan ay ang Cauayan City, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Benito Soliven, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, San Mariano, Alicia, Angadanan, Cabatuan, Ramon, San Mateo, Cordon, Jones, San Agustin, Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Manuel, Echague, San Guillermo at San Isidro, Isabela.

Lumobo sa bilang na 26,051 ang mga baboy mula sa 312 na barangay sa 28 bayan at lungsod ang isinailalim sa culling o ‘kinatay’ dahil sa second wave ng ASF.

Humingi naman nang pag-unawa ang opisyal sa mga magbababoy na apektado ng isinagawang culling.

Ayon kay Naui, ito lamang ang paraan upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng ASF.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.