Pinaigting na ‘info-drive’ para sa COVID-19, prayoridad ng NCRPO

Isinasagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang serye ng information drive sa mga barangay na nasasakupan ng limang police district bilang pakikipagtulungan at pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang programa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO Chief P/Major General Debold Sinas na tinaguriang “Coronavirus Awareness Response and Empowerment (CARE) Infodemic Drive” nasa ikatlong linggo na, simula noong Setyembre 22, na nagdaraos ng mga seminar.

Dinaluhan ng mga nanay, lola at mga babaeng tumatayong head of the famil o mga panganay na anak na babae sa pamilya na umabot sa 4,326 participants.

Nais ng programa na maitanim sa mga pamayanan ang Department of Health (DOH) protocols at iba pang mahalagang impormasyon sa kung paano makukuha ang sakit, mga sintomas, kumplikasyon, kung paano naililipat ang virus at prevention laban sa virus. at alisin sa isip ng publiko ang mga maling impormasyon hinggil sa COVID-19, batay sa guidelines ng DOH, Department of Interior and Local Government at Inter-Agency Task Force.

Gamit ng mga  pulis sa lecture ang mga  lenovo laptop, epson projector, digital wireless microphone, lapel, at laser presenter na binili ng NCRPO, na kargado ng mga impormasyong inisyu ng Regional Health Service at national at global reputable health organizations.

Binigyan ng health packs bago umuwi ang mga participants na naglalaman ng 2 face shields, 2 face Masks, beauche beauty soap, dishwashing liquid, fabric softener, at detergent powder.  May inihanda ring food packs para sa kanila at safety tips flyers.

Personal na nag-obserba si NCRPO Chief sa Infodrive seminar sa Multipurpose Hall ng Barangay Concepcion Dos, Marikina City kamakalawa ng hapon na isinagawa ng mga speaker ng Eastern Police District (EPD) at Marikina City Police Station.

Nagkaroon muna ng doble exercises na pinangunahan ni Sinas at ipinaliwanag naman nina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret ang kahalagahan ng ehersisyo at physical stamina sa paglaban sa sakit.

The efforts we put in this CARE Infodemic Drive is very significant especially that thousands of people are being reached and have heard the consequential information to curb the spread and prevent the contraction of the virus. We will continue this initiative until we reach thousands more residents of Metro Manila. We appreciate the time shared with us by the participants which only proves that they are eager to learn and protect their families,” pahayag ni Sinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.