26 arestado sa illegal gambling sa Caloocan

Share this information:

ARESTADO ang 26 na katao, kabilang ang isang professional billiard player, sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jose Basino, 38 anyos, Julius Molero, 30 anyos at isang online seller, Bubby Saludo, 36 anyos, Roel Esquillo, 58 anyos at di-umano ay isang professional billiards player, Gerry Gatchalian, 56 anyos, Eulegio Gamboa, 56 anyos, Nil Mirasol, 38 anyos, Andrew Gay Farrar, 35 anyos, Victor Michael Garcia, 36 anyos, Romeo Silvano, 35 anyos, Romel Bakeke, 35 anyos, Denny Nadal, 52 anyos, Brian Bucio, 37 anyos, Sherwin Sta. Maria, 35 anyos, Edwin Gamas, 30 anyos, Simplicio Rosales Jr., 46 anyos, Joseph Lingo, 43 anyos, Marlon Gemenez, 38 anyos, Randy Magbanua, 49 anyos, Ronald Maigue, 29 anyos, Randy Lopez, 40 anyos, Mark Jefferson Bernardo, 33 anyos, Lee Gabriel Moral, 36 anyos, Christopher Ramos, 46 anyos, Dominador Zuñiga, 63 anyos, at Antonio Libre, 58 anyos.

Sa ulat ni PSSgt. Paul Colasito kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa nagaganap na illegal gambling game na kilala bilang “Billiard/Poker” sa Austria St., corner Bustamante St., Brgy. 88, Caloocan.

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PLt. Melito Pabon, kasama ang mga tauhan ng Caloocan police saka nagtungo sa naturang lugar upang alamin ang naturang ulat.

Pagdating sa lugar dakong ala-1:40 ng madaling araw, nakita ng mga pulis ang mga suspek na tumataya at naglalaro ng naturang ilegal na sugal na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Nakumpiska ng mga pulis ang apat na Cue Stick, 2 Tiririt, 2 box ng Cue Ball, 2 Triangle Set, 1 deck ng playing card at P17,000 pot money.

Nahaharap ang mga nadakip sa kasong paglabag sa PD 1602 Illegal Gambling Game locally known as (Billiard/Poker).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa arestado sa P136k shabu sa Valenzuela

Thu Dec 16 , 2021
DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver, ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na […]
%d bloggers like this: