11 patay sa bagyong Dante – NDRRMC

PUMALO na sa labing-isa ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Dante sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ang mga nasawi mula sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Soccsksargen.

Aabot naman sa 3,284 bahay ang nawasak at napinsala sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Caraga.

Nabatid pa sa NDRRMC na nasa 124,462 residente o 29,916 pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa 479 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, Soccsksargen, at Caraga.

Mayruon pa ring 861 tao o 241 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center. Samantala, naitala naman sa mahigit P91.6 milyon ang naging halaga ng pinsala sa agrikultura sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Davao, Soccsksargen, at Caraga. Nasa mahigit P131 milyon din ang pinsala sa mga imprastraktura.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.