Breaking News

Share this information:

BINABANTAYAN na ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panibagong namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Borongan City, Eastern Samar.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA dakong alas-3 ng Lunes ng hapon sa layong 350 kilomeyro ng Silangan-Timog-Silangan ng Borongan City na sinasabing nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, asahan na umano ang maulap na panahon at mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat partikular na sa Eastern Visayas at Surigao provinces.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad na magkaroon ng flash flood at landslides dahil sa paminsan-minsan ay titinding pag-ulan. Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Palawan, at Mindoro provinces ay inaasahang magiging maulan dahil sa southwest monsoon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: