Breaking News

Share this information:

PUMALO na ngayon sa halos 25,000 ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa huling tala ng PNP, nadagdagan pa ng 119 ang nagka-COVID 19 sa hanay ng pambansang pulisya kaya’t nasa 24,950 ang confirmed cases sa organisasyon.

Nadagdagan naman ang mga gumaling mataos na madagdagan ng 102 at sa ngayon ay nasa 23,069 na ang total recoveries.

Samantala, isa ang bagong namatay sa virus infection kaya’t pumapalo na sa 69 ang nasasawi sa PNP. Sa ngayon ay mayruon pang 1,812 na aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP o ang mga patuloy na nagpapagaling.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: