BALANGA CITY — Nadagdagan pa ng 31 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Bataan.
Nabatid mula sa ulat ni Bataan Governor Abet Garcia na umakyat na ngayon sa 839 ang tinamaang virus infection habang isa naman ang panibagong kaso ng pagkamatay.
Samantala, mayroong napaulat na 23 na gumaling kaya’t nasa 529 na ang kabuuang bilang ng recovered cases.
Sa nabanggit na bilang ng positive cases, 293 ang active cases o ang mga ginagamot at naka-quarantine habang nasa 17 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi.