Mastermind ng Jolo twin bombings, hindi pa makalabas ng Sulu – military commander

Share this information:

NAIPIT umano sa bayan ng Patikul, Sulu ang itinuturong mastermind o utak ng magkasunod na pagsabog sa Jolo nuong nakaraang linggo.

Ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Major General Corleto Vinluan Jr., hindi pa makalabas ng Patikul si Abu Sayyaf Group member Mundi Sawadjaan.

Nauna rito, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng militar at bandidong grupo kasama si Sawadjaan sa Barangay Kabbon Takas nuong Sabado.

Sinabi ni Vinluan na dalawa sa mga kasapi ng ASG at isang sundalo ang namatay sa engkuwentro at pitong iba pa ang sugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Tiniyak ni Vinluan na hindi titigilan ng militar ang pagtutugis kay Sawadjaan at sa kanyang grupo hanggang sa madaki ang mga ito.

Si Sawadjaan ay sinasabing kasama sa grupo ni Abu Sayyaf leader Radullan Sahiron

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.