Breaking News

Share this information:

NASAWI ang 60-anyos na driver ng isang tricycle habang sugatan ang dalawa niyang pasahero nang sumalpok sa kasalubong na baby bus sa bayan ng Tanza, Cavite araw ng Martes.

Isinugod pa sa Tanza Specialist Medical Center ang mga biktimang sina Francisco Bayos, driver ng motorsiklo at pasaherong sina Jeremie Higuerra, 22 at Abed Glen Murcia, 20.

Idineklarang dead on arrival si Bayos.

Natukoy naman ang driver ng Baby bus na si Genesis Dorado, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with multiple injuries with damage to properties.

Sa ulat ni Police Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, minamaneho ni Bayos ang kanyang tricycle lulan ang mga biktima habang binabagtas ang kahabaan ng A. Soriano Highway, sakop ng Barangay Daang Amaya 2 dakong ala-1:30 ng hapon.

Patungo sa direksyon ng Naic nang umano’y mawalan ng kontrol ang tricycle at sinakop na ang kabilang linya ng kalsada kung saan ay tyempo naman na  papadating ang Baby bus hanggang magsalpukan ang mga ito.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay ng insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: