Pagsugpo sa ‘fixers’ sa tanggapan ng Immigration; Bakit ngayon lang?

NAGLUNSAD ang Bureau of Immigration (BI) ng crackdown kontra sa mga “fixer” at nanawagan sa publiko na isumbong o i-report ang kanilang ilegal na transaksyon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na kinonkondena nila ang anumang klase ng fixing at walang sinumang opisyal o empleyado na sumali sa anumang aktibidades kaugnay nito.

Dagdag pa ni Morente na ipinagbabawal sa sinumang BI personnel na mag-alok ng may bayad ang anumang serbisyo sa kagawaran upang mapabilis ang anumang transaksiyon.

Babala ng BI Chief na ang parusa sa fixing ay may katumbas na pagkakakulong ng hindi higit sa anim na taon o multa na hindi hihigit sa P200,000.

Payo ni Morente sa mga biktima ng fixers na ireport sa Immigration Helpline via email at [email protected], o via BI’s Committee on Good Governance (CGG) sa administrative division.

Maaring puntahan ang CGG sa [email protected] habang ang administrative division ay sa [email protected].

“Those who wish to report incidence of fixing must submit a written complaint mentioning, among others, the name of the fixer, location of the office, date, time, type of transaction, narration of events, and the signature of the complainant,” ayon kay Morente.

Bumuo rin si Morente ng six-man BI Anti-Corruption Committee, na pinamunuan ni Deputy Commissioner J. Tobias Javier.

“We have likewise coordinated with other law enforcement agencies to initiate investigations against fixers pretending to be employees of the BI,” ayon pa kay Morente.

Pero ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang source, matagal na umanong may mga umaaligid na mga fixer sa loob at labas ng BI na dapat noon pa ay pinigilan na ang maling sistema.

“Bakit ngayon lang?,” tanong ng source.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.