Mahigit 4,200 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong araw

NASA kabuuang 4,289 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw, bahagyang mas mataas kumpara sa 4,114 kahapon.

Dahil diyan, umaabot na sa 1,450,110 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at sa nasabing bilang, 47,519 ang active cases o ang mga pasyenteng patuloy pang nagpapagaling.

Nasa 164 naman ang nadagdag sa bilang mga nasawi na mas mataas sa 104 na naitala kahapon at sa ngayon ay pumalo na sa 25,459 ang total deaths dahil sa virus.

Aabot naman sa 6,399 ang mga bagong gumaling na mas mataas din sa 6,086 naitala kahapon at sa ngayon ay nasa 1,377,132 na ang total recoveries.

Kasama na sa bilang ang 123 kaso na recoveries ngunit natukoy na namatay at 61 kaso na recoveries pero aktibong kaso pa rin matapos ang final validation ng DOH.

Nasa 11.3 percent naman ang positivity rate o ang mga nagpositibo mula sa 35,460 na tinest.

Karamihan pa rin o 94.4 percent ng mga kaso ay mild at asymptomatic o walang sintomas.

Nabatid din sa DOH na bagamat operational ang lahat ng mga laboratoryo nuong Hulyo 5 na pinagkunan ng datos na inilabas ngayong araw, mayruong apat na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Kung pagbabatayan ng DOH ang datos sa nakalipas na 14 na araw, ang kontribusyon ng nasabing apat na laboratoryo ay 1.6% ng lahat ng samples na nai-test at 2.3% ng mga nagpositibong indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.