‘Youtuber’ na Pari sa CDO niratrat habang patungong seminaryo, patay

Share this information:

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa mabatid na salarin ang isang pari habang ito ay patungo sa kanyang seminaryo sa Barangay Patpat, Malaybalay City kamakalawa.

Pasado alas 7 ng gabi ng Linggo nang isagawa ang pagpaslang kay Fr. Rene Regalado ng St. John XXIII College Seminary at agad nasawi sa lugar ng insidente bunsod ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Ayon kay Police Lt. Col. Jerry Tampis, chief of police ng Malaybalay, ang duguang bangkay ng pari ay nadiskubre ilang metro ang layo mula sa gate ng Carmelite Monastery sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat.

Nabatid sa imbestigasyon, nakitaan ng pamamaga sa kaliwang mata ni Father Regalado na isang palatandaang binugbog muna ito bago tuluyang pagbabarilin habang nakatali sa likod ang kanyang mga kamay gamit ang isang sintas ng sapatos.

Sampung basyo ng bala mula sa Colt .45 pistola ang natagpuan ng pulisya sa lugar ng krimen.

Ayon pa kay Tampis, mismong ang kaanak ni Father Regalado ang humiling sa pulisya na ma-awtopsiya ang katawan nito na kasalukuyang nasa Villanueva Funeral Homes sa Malaybalay City.

Sinasabing bago pa makalapit sa naturang seminaryo si Father Regalado ay biglang sumulpot at hinarang ang sasakyan nito ng hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong lalaki.

Mariin namang kinondena ng kaparian ng Malaybalay ang ginawang pagpaslang kay Father Regalado at hiling nila ang agarang pagresolba sa naturang kaso upang mabigyang hustisya ang pagkamatay nito.

Pansamantalang ibuburol ang labi ni Father Regalado sa San Isidro Labrador Cathedral sa Malaybalay City matapos ang isasagawang awtopsiya. Si Father Regalado ay kilala sa naturang lugar sa tawag na “Paring Bukidnon” sa kanyang vlogging na kung saan ay layon ang pag-indorso nito ang organic farming sa mga magsasaka sa pamamagitan ng online app na ‘youtube’.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Hospital staff, patay sa pamamaril; 3 iba pa sugatan

Mon Jan 25 , 2021
ISANG hospital staff ang patay habang sugatan ang tatlong negosyante nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Sta. Cruz, Manila Linggo ng gabi. Ang namatay na biktima ay nakilalang si Sheena Tiongson, 29, staff ng UST Hospital, habang ang mga nasugatan naman ay sina Ceasar Santos, […]

Follow Us

%d bloggers like this: