Hospital staff, patay sa pamamaril; 3 iba pa sugatan

Share this information:

ISANG hospital staff ang patay habang sugatan ang tatlong negosyante nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa Sta. Cruz, Manila Linggo ng gabi.

Ang namatay na biktima ay nakilalang si Sheena Tiongson, 29, staff ng UST Hospital, habang ang mga nasugatan naman ay sina Ceasar Santos, 39; Ricardo Candaza, 52; at Victor Barraca, 37, pawang negosyante at residente ng Sta. Cruz, Manila.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin na mabilis na tumakas habang magkaangkas sa isang motorsiklo.

Batay sa ulat ni PEMS Erickson Aguilar ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 10:20 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng Pearl Blossom Hotel sa Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Bago ang pamamaril ay nagkaroon umano nang pagtatalo sa pagitan ng tatlong negosyante at mga suspek, sa di pa matukoy na kadahilanan.

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla umanong bumunot ng baril ang isa sa mga salarin at saka pinagbabaril ang mga negosyante, na nagresulta pagkakasugat ng mga ito habang minalas namang madamay si Tiongson, at binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na tinutugis na ng mga awtoridad para panagutin sa krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

House panel approves Ease of Paying Taxes Act

Mon Jan 25 , 2021
A bill which will establish an office of the taxpayer advocate and codify a bill of rights for taxpayers to encourage tax compliance and protect taxpayer welfare has been approved by the House Committee on Ways and Means chaired by Albay Rep. Joey Salceda on Monday. According to Salceda, the […]

Follow Us

%d bloggers like this: