Sa marahas na paghuli sa isang vendor: 5 miyembro ng Paranaque TF, mahaharap sa reklamong administratibo

Share this information:

MALIBAN sa pagsibak, maaaring maharap pa sa reklamong administratibo ang limang miyembro ng task force sa Paranaque City na gumamit umano ng labis na puwersa nang manghuli ng isang nagtitinda sa Baclaran.

Sinabi ito ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na naniniwalang dapat ay pinairal ang maximum tolerance sa road clearing operations lalo na’t nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Sa ngayon ay suspindido aniya ang limang miyembro ng Paranaque Task Force na sangkot sa insidente.

Una nang nasaktan ang vendor na si Warren Villanueva matapos na puwersahang kumpiskahin sa kanya ang gamit nito sa pagtitinda, padapain sa kalsada at posasan habang may isang lalaki ang sumipa pa sa mukha nito.

Sinabi ng alkalde na hindi kinukunsinti ng lokal na pamahalaan ang pang-aabuso sa kanilang hanay.

Gayunman, pinaalalahanan din ni Olivarez ang mga street vendor na sumunod sa umiiral na mga regulasyon lalo na’t may direktiba ang Department of the Interior and Local Government para ipatupad ang road clearing operations.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang alkalde sa pamilya ni Villanueva at inihayag nito na hindi pa rin nawawala ang takot ng vendor dahil sa nangyari.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

‘Youtuber’ na Pari sa CDO niratrat habang patungong seminaryo, patay

Mon Jan 25 , 2021
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa mabatid na salarin ang isang pari habang ito ay patungo sa kanyang seminaryo sa Barangay Patpat, Malaybalay City kamakalawa. Pasado alas 7 ng gabi ng Linggo nang isagawa ang pagpaslang kay Fr. Rene Regalado ng St. John XXIII College Seminary at agad nasawi […]

Follow Us

%d bloggers like this: