Breaking News

Share this information:

NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.

Kinilala ni District Special Operation Unit-Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 anyos, ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

Sa report ni PLt. Col. Dimaandal kay NPD Director PBGen Jose Hidalgo Jr., nakatanggap sila ng impormayson na nakita ang akusado sa Panghulo, Malabon City.

Bumuo ng team ang DSOU, kasama ang Intelligence Section ng Caloocan police saka isinagawa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Deparoco dakong alas-4:30 ng hapon sa Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

Ayon kay PLt. Col. Dimaandal, si Deparoco, na tinaguriang No. 12 most wanted person ng Caloocan police, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 9, 2009 ni Hon. Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125 Caloocan City para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Batay sa record, pinagtulungan pagsasaksakin ng akusado at ni Rodrigo Deparoco si Armando Delos Santos Jr., na nagresulta ng kamatayan nito noong May 9, 2008 sa Caloocan City.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGen. Hidalgo Jr,, upang maalis ang lahat ng uri ng lawlessness at paigtingin ang manhunt kontra sa Most Wanted Person sa area ng NPD.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa isa pang akusado sa naturang kaso na si Rodrigo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: