Breaking News

Share this information:

NAGBALIK operasyon na ang lahat ng mga pantalan sa buong bansa.

Ito ay ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) matapos manalasa ang habagat dala ng Nando na pinalakas naman ng bagyong Maring.

Ang operasyon ng shipping at pangingisda sa mga pantalan sa bansa ay nagbalik na simula ngayon, Oktubre 13, 2021, ng alas-8 ng umaga, ayon sa abiso ng PCG.

Lahat ng mga pasahero, truck driver at cargo helper, maging ang mga barko, motorbanca at rolling cargoes na stranded o mga nagkubli sa ligtas na lugar ay pinapayagan na ring maglayag o bumiyahe.

Sa pananalasa ng bagyong Maring, nag-iwan ito ng maraming lugar sa mga probinsya na lubog sa baha, may mga nasawi dahil sa walang tigil na buhos ng ulan, pagbaha, landslide at mudslide.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: