Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang apat na katao matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PLt. Zoilo Arquillo, hepe ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police ang mga dinakip na sina Roberto Titoy, 66 anyos, Ronaldo Teoxon, 51 anyos, Edison Casilao, 32 anyos, welder, pawang mga taga Brgy. Tonsuya, at Robert Salon, 29 anyos, machine operator ng Caloocan City.

Batay sa report ni PCpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang SIS ng impormasyon mula sa barangay intelligence network hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activity na kilala bilang “Tupada” sa 138 Phase 5 Gozon, Barangay Tonsuya.

Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pamumuno ni PLt. Arquillo na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat katao matapos maaktuhang nagtu-tupada dakong 1:45 ng hapon.

Narekober ng mga operatiba sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok na may tari habang nakuha naman sa mga dinakip ang P3,700 bet money.

Nahaharap ang mga dinakip sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 (Illegal Cockfighting locally known as “Tupada”).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: