Wanted sa kaso ng tangkang pagpatay, kelot, timbog sa Navotas

Share this information:

ISANG kelot ang kalaboso ang binagsakan

Kalaboso ang isang kelot na wanted sa kasong frustrated homicide matapos malambat ito sa isinagawang manhunt operation ng pulisya kontra wanted persons sa Navotas City, kamakailan.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado sa tangkang pagpatay bilang si JR Valenzuela, 24 anyos, ng 14 ERC, Brgy. Tangos North.

Ayon kay Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS at Sub-Station 2 ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Valenzuela sa tahanan nito dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Si Valenzuela ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Edwin Larida Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City para sa kasong Frustrated Homicide.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.